Manila, Philippines – Umabot na sa 12 suspek ang napatay habang 51 ang naaresto sa 880 shooting incidents na kinasasangkutan ng motorcycle riding attackers sa buong bansa.
Sa datos ng PNP mula October 11, 2017, nakapagtala ng 812 na insidente ng murder cases habang nasa 68 naman ang homicide cases kung saan nasa higit 900 naging biktima.
Naresolba na rito ang nasa 291 na kaso habang patuloy na tinutugis ang nasa 1,008 motorcycle riding suspects.
Dagdag pa ng PNP, 358 suspects ang nakilala na habang nasa 650 ang wala pang pagkakakilanlan.
Facebook Comments