Shootout sa Calamba, Laguna na ikinasawi ng dalawang kidnaper, iniimbestigahan na ng PNP-IAS

Nagsasagawa na ngayon ng moto propio investigation ang Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) kaugnay sa nangyaring shootout sa Calamba, Laguna kahapon.

Ito ay matapos ang mga ulat na posibleng pulis ang isa sa mga nasawing kidnapers matapos makakuha ng tsapa at identification card ng pulis sa sasakyan ng mga ito.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, maliban sa PNP-IAS, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO).


Pero sa inisyal na impormasyon, mga miyembro ng kidnapping group na bumibiktima ng mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ang mga ito.

Malimit na modus daw ng mga kidnapers ay magpakilalang pulis sa kanilang mga binibiktimang mga empleyado ng POGO.

Facebook Comments