Naglunsad ng “Shopee Bayanihan” ang e-commerce platform na Shopee na may layuning makalikom ng pondo para suportahan ang mga frontliners at ng mga nawalan ng trabaho matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.
Ayon sa Marketing Head ng Shopee Philippines na si Ruoshan Tao, makikipagtulungan sa kanila ang Red Cross, Kaya Natin, World Vision, at nang iba pang organisasyon para suportahan ang komunidad na pinaka-tinamaan ng COVID-19.
Aniya, maaaring magkaroon ng direct donation ang mga Shopee users sa pamamagitan ng app sa halagang p50, p100, p500, at p1,000.
Siniguro naman ng pamunuan ng Shopee na sa kanilang mga partner organizations mapupunta ang lahat ng donasyon.
Samantala, inilunsad din ng Grab Philippines ang “Grab Mart Delivery Services” para magbigay ng serbisyo sa mga naapektuhan ng ipinatupad na ECQ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Luzon.
Ayon sa pamunuan ng Grab, maaari nang mabili ang ilang mga pagkain, inumin, personal care items, home care items at iba pa sa pamamagitan ng Grab app na magsisimula mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng madaling araw.