Shopee, humingi ng sorry sa fans ng Blackpink

Humingi na ng paumanhin ang online shopping platform na Shopee.

Umabot na sa sampung reklamo ang natatanggap ng Department of Trade and Industry (DTI) laban sa shopping website dahil sa scam matapos baguhin ang mechanics para sa meet-and-greet event ng K-pop group na Blackpink.

Ayon kay DTI-Fair Trade Enforcement Bureau Director Ronnel Abrenica – hindi ito pinapayagan sa ilalim ng Consumer Act.


Matatandaang nitong Mayo ay inanunsyo ng Shopee ang event para sa fans ng Korean girl group.

Para makakuha ng passes ay kailangang makapasok sa top 568 spenders mula May 11 hanggang 25 kung saan ang top 40 ay makakasama sa stage at makakapag-autograph sa girl group.

Sa statement ng Shopee, nagkaroon ng problema sa kanilang system kaya higit 100 mula sa 568 napiling top spenders ang hindi nakapasok.

Isa-isa nang kinakausap ang mga apektado at ire-refund ang kanilang ginastos.

Facebook Comments