Shoplifter, Huli sa Santiago City!

31

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang babae matapos magnakaw sa isang supermarket kahapon, April 15, 2018 sa lungsod ng Santiago, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Alice Laog, trentay uno anyos, may-asawa at residente ng Aurora Hill, Baguio City.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Station 1 Santiago City, pumasok at nagpanggap umano bilang kustomer ang suspek sa supermarket at doon isinagawa ang pagsukbit sa kanyang girdle sa mga kinuhang items kung saan nakita na pala ito ng isang sekyu ang ginagawang pagnanakaw ng suspek.

Palabas na umano sa gusali ang suspek nang hanapan ito ng resibo ng nakatalagang sekyu subalit wala itong maipakitang resibo na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang pitong piraso ng martilyo, pitong elecricians knife, isang long nose pliers, isang slip joint pliers, isang mini interchargeable screw, pitong lock grip pliers at isang padlock na may kabuuang halaga ng mahigit limang libong piso.

Nasa kustodiya na ng PNP Santiago City ang suspek na mapapatawan ng kasong Pagnanakaw.

Facebook Comments