Shoplifter, Kulong matapos Matiklo ng Saleslady!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang babae matapos mahuli sa aktong pagnanakaw sa isang grocery store particular sa pampublikong pamilihan sa San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Manilyn Justo, 30 anyos, may-asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Del Pilar, Alicia Isabela.

Batay sa report ng PNP Cauayan City, palihim na inilalagay ng suspek ang mga kinukuhang items sa loob ng kanyang shoulder bag subalit napansin ito ng saleslady na si Analiza Dela Cruz.


Agad na lumabas ang suspek kaya’t nilapitan ito ng saleslady at dinala sa holding area.

Dito nakumpiska mula sa direktang pag-iingat ng suspek ang mga ninakaw na grocery items.

Dinala na sa Cauayan City Police Station ang suspek at mga ninakaw na items para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ng PNP ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments