Shoplifter sa Savemore, Huli!

111

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang babae matapos magnakaw ng groceries bandang alas kwatro ng hapon noong Disyembre 27, 2017 sa Savemore, Dubinan East, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Cholalaine Narte y Ferer, 34 anyos, single, walang trabaho at residente ng Makati City.


Batay sa ibinigay na impormasyon ng Station 2 ng PNP Santiago City, pumasok at nagpanggap ang suspek na bibili sa nasabing gusali.

Patagong nagsilid umano si Narte ng mga groceries sa kanyang bag ayon sa Security Guard na si Jenny Lyn Cacanindin na noong oras na iyon pala ay pinagmamasdan ang kilos at galaw ng suspek.

Aktong papalabas na sana ang suspek ng harangin ni SG Cacanindin na agad inispeksyon ang dala-dalang bag ng suspek.

Sa ginawang inspeksyon, nakuha sa bag ang dalawang Ajinomoto, isang Apollo Sebo de macho, tatlong Quaker Oatmeals, isang cornedbeef, sabon, lotion, povidone iodine, face foundation, lipstick, eyeliner, at Goya cream white.

Hawak na ngayon ng PNP Station 2 Santiago ang suspek at inihahanda na ang kasong pagnanakaw.

Facebook Comments

From Advertisers