SHOPPING CENTER, COMPLEX AT ISANG PRIVATE MARKET, ISASAILALIM SA TEMPORARY CLOSURE UPANG IDAAN SA DISINFECTION DAHIL SA COVID POSITIVE

CALASIAO, PANGASINAN – Pansamantala munang isasara sa bayan ng Calasiao ang isang shopping center, complex at isang pribadong pamilihan upang idaan sa disinfection upang maiwasan naman ang pagkalat pa ng COVID-19 virus.

Sa inilabas na Executive Order 13 na pirmado ng alkalde na ang pagsasara pansamantala ng mga establisyemento na ito ay dahil sa isang empleyado ng LGU ang nagpositibo sa COVID19 at kaugnay nito ay na ang mga areas at gusali ay kinakailangan na idaan sa massive disinfection.

Magbabalik naman sa operasyon ang tatlong establisyemento sa Lunes, August 16, 2021.
Samantala, mariing ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Calasiao na sundin ang health protocols ngayong nakikitaan pa ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang bayan at upang maiwasan ang paglala pa ng sitwasyon.


Facebook Comments