SHOPPING MALLS SA PANGASINAN, DINAGSA NITONG WEEKEND NANG MGA MAMIMILI NG REGALO AT PANG HANDA SA PASKO

Hindi nakaligtas sa mahabang pila sa mga counter ng ilang malls sa Dagupan City ang mga konsyumer na inaasahan na ang pamimili ng grocery items at pamasko upang makaiwas sana shopping rush ngayong pasko.

Ayon sa ilang mamimili na nakapanayam ng IFM News Dagupan, pangunahing iniiwasan umano tuwing holidays ay ang mahabang pila kaya pinili na lamang na hindi mamili sa mismong araw ng pasko.

Bagaman pumila pa rin ng medyo matagal ang ilang mamimili, mainam na umano iyon kaysa ma-stuck sa mas mahabng pila sa mismong araw ng selebrasyon sa halip na igugol na lamang sa paghahanda para sa Noche Buena.

Kaugnay nito, ilang mall sa lungsod ang nagpatupad ng pinaikling mall hours sa December 24 magbubukas simula 7AM at 9AM at magsasara ng 7PM habang 9AM -10PM naman sa December 25. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments