Short at long term plans para sa matatag na power source sa bansa, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa pamahalaan na magkaroon ng short at long term plans para sa pagtiyak ng matatag na power source sa bansa.

Ang suhestyon ng senador ay kasunod ng power outage sa Panay Island na nagsimula pa noong January 2 matapos na tumirik at magshutdown ang mga power plants sa lalawigan.

Tinukoy ni Villanueva na batay sa datos ng Department of Energy (DOE), 50 percent ng power plants sa bansa ay nasa 20 taon na.


Dahil dito, mahalaga aniyang mayroong plano o programa ang gobyerno upang maiwasan na ang mga power interruptions sa hinaharap.

Ang mga programang ito ay dapat naglalaman ng wastong maintenance ng mga power plants, generators at pasilidad.

Iminungkahi pa ni Villanueva ang patuloy na paghahanap ng ibang mapagkukunan ng renewable energy tulad ng wind at solar upang makamit ang target ng ahensya na pagsapit ng 2030 ay 35 percent na ang renewable power generation mix sa bansa.

Facebook Comments