SHORT CIRCUIT | Public market sa Zamboanga del Sur magdamag na nilamon ng apoy

Zamboanga del Sur – Nilamon ng apoy ang halos kalahating bahagi ng Bayog
Public Market alas 12:00 ng madaling araw.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Pagadian kay Local Disaster Risk Reduction
Management Officer Abraham Capayas sa kanilang inisyal napagsisiyasat
nagsimula
umano ang apoy sa vegetable section at posibleng short circuit ang dahilan
ng sunog.

Kumalat din sa ibang stalls ang apoy hanggang umabot dried fish section at
mga carenderia sa palengke.


Unang rumisponde sa trahedya ang dalawang fire trucks ng munisipyo at
idiniklarang fire out alas 4:30 na ng umaga.

Inaasahang pagkatapos nito ay hindi agad makaka-function ng maayos ang
merkado publiko at kinakailangan ng matinding reconstruction sa mga
establisemento.

Tinatayang hindi bababa sa P1 milyon ang danyos sa naturang sunog.

Facebook Comments