
Agad na ni-rescue ang short-finned pilot whale na natagpuang stranded malapit sa baybayin ng Barangay Buhang, Magallanes, Agusan del Norte.
Una itong namataan ng isang residente at agad itong ini-report sa Philippine Coast Guard, na siyang nag-abiso sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ang balyena ay may bigat na 300 kilo at may haba na 3.63 metro. Sinasabing namayat ito dahil sa mga sariwang sugat na natamo nito.
Napag-alaman din na may mga lumang sugat ang balyena at may nakatusok na palaso sa katawan nito.
Agad namang natanggal ang palaso sa katawan ng balyena sa gabay ng marine mammal expert na si Dr. Leona Ortega, upang matulungan na maibalik ang lakas nito.
Samantala, agad namang dinala ang balyena sa Barangay Caloc-an, Magallnaes, Agusan del Norte, at doon pinalaya matapos bumalik ang lakas nito.









