
Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko sa posibleng epekto ng “short-lived” La Niña phenomenon na umusbong sa tropical Pacific.
Base sa advisory ng state weather bureau, ang mahinang La Niña posibleng magtagal hanggang Pebrero sa susunod na taon.
Magdadala ito ng pagbaha, flashfloods, at rain-induced landslides.
Ang La Niña ay umiiral kapag mayroong above-normal rainfall sa maraming lugar sa isang bansa sa huling quarter ng taon at magpapatuloy sa mga unang buwan ng susunod na taon.
Karaniwang nagdudulot ang La Niña ng mas maraming bagyo at labis na pag-ulan.
Facebook Comments









