Short, medium at long term solution para maiwasan na ang matagal na pagbaha sa Pampanga, inilatag ni PBBM

Courtesy: Noel B Pabalate | Facebook

Naglatag na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng mga short, medium at long term solution para maiwasan na ang matagal at mataas na baha sa pampanga tuwing malakas ang ulan.

Ito ay matapos ang situation briefing sa Pampanga na pinangunahan ni Pangulong Marcos kasama ang mga opisyales ng concerned agencies, mga local chief executives at iba pang matataas na opisyales sa Pampanga.

Sa situation briefing, sinabi ng pangulo na ang mga emergency measures sa kasalukuyan ay una ang mas mabilis na paraan o short term solution ay magsagawa ng dredging o paghukay ng malalim sa ilog.


Ang medium solution naman ay ang pagsasaayos ng North Luzon Expressway o NLEX, tataasan ito at ang makakadaan ay mga light vehicles lamang habang sa alternatibong ruta ay dadaan ang mga trak na kayang umusad kahit pa mataas ang baha.

Panghuli at longer solution aniya ay ang pagkakaroon in impounding o gawing impounding ang 10% ng Candaba swamp sa 2,000 hectares ng Candaba.

Tiniyak naman ng pangulo na bibigyan ng tulong ang mga maapektuhan magsasaka na aabot sa 9,000 kapag ginawang impounding ang 10% ng Candaba swamp.

Facebook Comments