Shortage ng public transportation, pinangangambahan ng isang commuters group sakaling ituloy ang jeepney phaseout sa Hunyo 30

Umaapela ang Lawyers for Commuters Safety and Protection o LCSP sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbigay ng alternatibong paraan upang makasabay sa modernization ang mga jeepney drivers at operators.

Ito ay dahil posibleng magkaroon ng shortage o kakulangan ng public transportation sa June 30 sakaling ituloy ang jeepney phaseout.

Sabi ni LCSP President Atty. Ariel Inton, posibleng lumala ang kakulangan ng masasakyan ang publiko dahil libo-libong jeepney ang aalisin sa lansangan.


Paliwanag pa ni Atty. Inton na sa ngayon, pahirapan na aniya ang masasakyan ng mga commuters at posibleng mas magiging pahirapan pa kung tuluyang aalisin ang traditional jeep.

Mungkahi ni Atty. Inton, i-upgrade na lamang ang mga jeepney upang makasabay sa programang modernisasyon.

Facebook Comments