Tahasang sinisi ng Ibon Foundation sa eskima ng privatization ang nagaganap na water crisis sa Metro Manila.
Sa forum sa Maynila, pinaliwanag ni Sonny Africa, na kung gobyerno ang nagpapatakbo sa serbisyo ng tubig ay may sapat na supply ang publiko.
Ayon kay Africa, ang interes lamang ng mga water concessionaire ay ang kanilang kita, kaya ang option lamang nila ay ang itaas o ibaba ang supply ng tubig.
Matatandaang ang water supply ay nailagay sa pangangasiwa ng Pribadong Korporasyon na Manila Water at Maynilad na dahilan ng palagiang pagtataas ng presyo ng tubig
Paliwanag ni Africa, panahon na upang ibalik sa pamamahala ng gobyerno ang serbisyo ng tubig.
Hindi lang aniya masolusyunan ang problema ng suplay sa tubig kundi maging ang mababang presyo nito.