Shortlist ng mga nominado bilang hukom para sa 51 korte sa Luzon, aabot sa halos 300

Natanggap na ng Malacañang ang shortlist ng mga nominado para sa judgeship positions sa mga korte sa Regions 1 at 2.

Sa listahan na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC), ang shortlist ay para sa mga bakanteng puwesto ng hukom sa 51 first-level courts sa Ilocos at Cagayan Valley.

Ang halos 300 na pangalan ng mga nominado na isinumite ng JBC sa palasyo ang siyang pagpipilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ang JBC ay may mandato na kumilatis at sumala sa mga nominado para sa mga bakanteng posisyon sa hudikatura at Offices of the Ombudsman and Deputy Ombudsman.

Facebook Comments