SHOW CAUSE ORDER, HINIKAYATNA IHAIN LABAN SA GOBERNADOR AT ILANG EMPLEYADO SA LA UNION DAHIL SA UMANO’YOVERPRICED NA CANOPY TENTS

Hinihikayat ngayon ng isang mambabatas sa La Union na maghain ng show cause order ang Department of Interior and Local Government at Commission on Audit sa Gobernador at ilang empleyado na sangkot sa umano’y overpriced na canopy o tents na ipinakalat sa lalawigan.
Tinalakay sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan na umabot umano sa higit P17 million pesos ang kabuuang pondo na inilaan sa naturang proyekto para sa isang libong piraso ng canopy para sa mga tricycle drivers sa La Union.
Kung susumahin umano, tinatayang P17, 450 ang presyo ng kada tent na dadaigin pa umano sa tibay ng parehong produkto na mabibili lamang sa mga warehouse.
Kwestyonable umano ang malaking halaga na inilaan sa naturang pondo at isang malinaw na paglabag sa DILG Memorandum Circular no. 2010-101 na nagsasaad ng pagbabawal o ban sa paglalagay ng pangalan, inisyal, imahe o lagda ng isang government official gamit ang public fund.
Bukod sa proyektong canopy, lantad din umano ang pagkakakilanlan ng gobernador sa mga government vehicles tulad ng provincial bus, mobile at maging sa billboard ng Pamahalaang Panlalawigan.
Dahil dito, hinihikayat din na pagtibayin ang Anti-Epal Provision sa lalawigan dahil ipinamahagi ang naturang canopies habang kasagsagan ng campaign period.
Sa ngayon, pangungunahan ng Committee on Ethics at Local Governance ang isyu upang malinawan ang publiko.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments