Show cause order, inilabas ng DOE laban sa operator ng 5 power plants na nagpatupad ng unplanned outages

Nag-isyu ang Department of Energy (DOE) ng show cause order laban sa operator ng limang planta ng kuryente na sumailalim sa biglaang shutdown na nagdulot ng pagnipis ng reserba ng kuryente sa Luzon grid.

Nabatid na ilang beses nang nagdeklara ang gobyerno ng yellow at red alert sa Luzon grid dahil sa kakapusan sa supply ng kuryente.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella – ang show cause orders ay ipinadala laban sa Sual Unit 1, Southwest Luzon Power Generation Corp. (SLPGC) Unit 2, Pagbilao Unit 3, South Luzon Thermal Energy Corp. (SLTEC) Unit 1 para ipaliwanag ang ginawang forced outage.


Ang mga nabanggit na planta ay may total capacity na 1,352 megawatts – ay sumailalim sa unplanned outages sa mga nakalipas na araw.

Pinagpapaliwanag din ng DOE ang Calaca Unit 2 kung bakit hindi ito nag-o-operate sa full capacity na nasa 200 megawatts at gumagana lamang sa 100 megawatts.

Sa unang dalawang linggo ng Abril, ilang serye ng yellow alerts ang itinaas sa Luzon grid habang red alert status ay idineklara nitong Miyerkules at Huwebes.

Sa depinisyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang “red alert” – ay ang system condition kung saan mayroong zero ancillary service o generation deficiency.

Ang “yellow alert” ay ang system condition kung saan mababa ang reserba ng kuryente mula sa kapasidad ng pinakamalaking planta online, kung saan nasa 647 megawatts para sa Luzon.

Facebook Comments