SHOW CAUSE ORDER | Kampanya laban sa mga delinquent employers sa Palawan, pinalakas ng SSS

Binigyan na ng Show Cause order ng Social Security System (SSS) ang ilang business establishments sa El Nido sa Palawan na itinuturing na mga delinquent employers.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, may 9 na delingkuwenteng employers o non- compliant employers ang nabuking ng SSS sa pamamagitan ng Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign ang lumalabag sa SS Law .

Walo dito ang natuklasang hindi nagparehistro ng kanilang negosyo na kinabibilangan ng Scene Onsight (SOS) Restaurant, Amos Restaurant, Casa Carlota Pension, El Grande Tourist Inn, Mando Mango Inn, Island Hop Nido Hostel, Ristorante La Lupa at Villa Dali Island Inc.


Habang ang Caera Travel and Tours ay hindi nagre-remit ng SSS contributions na abot na sa higit 71, 700.

Nagpaalala ang ahensiya na ang paglabag sa SS Law ay isang criminal case, na maaaring makulong ang anumang delinquent employers mula sa minimum na anim na taon at isang araw hanggang sa maximum na 12 taon, bukod pa ang pagbabayad ng penalties .

Tatapusin na ngayong araw ng mga SSS officials ang dalawang araw na kampanya sa paghahabol sa mga delinquent employers sa Palawan at ang pagbibigay ng dagdag kaalaman at konsultasyon sa mga stakeholders hinggil sa ibat-ibang polisiya at programa ng pension fund.

Facebook Comments