SHOW CAUSE ORDER | LTFRB – maglalabas ng order laban sa 2 kompanya ng bus na sangkot sa aksidente sa EDSA-Magallanes

Manila, Philippines – Nakatakdang maglabas ng show cause order ang LTFRB laban sa dalawang kompanya ng bus na sangkot sa aksidente sa EDSA-Magallanes kaninang umaga.

Kapwa pagpapaliwanagin ng ahensya ang Joyselle Express Inc. at Valenzuela Transport Cooperative.

Ayon kasi sa ilang saksi – nag-uunahan sa pasahero ang dalawang bus bago nangyari ang banggaan.


Sugatan sa aksidente ang hindi bababa sa 17 pasahero habang nadamay din ang isang mitsubshi mirage na may plakang acm-4149.

Sa inisyal na ulat – nawalan ng preno ang Joyselle Bus na may plakang txd-382, nagpagewang-gewang saka bumangga sa pader.

Facebook Comments