Manila, Philippines – Iginiit ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Korte Suprema ang pagbasura sa Show Cause Order laban sa kanya.
May kaugnayan ito sa kanyang paglalahad sa kanyanga mga talumpati ng sub judice rule sa quo warranto case laban sa kanya.
Iginiit ni Sereno na may karapatan siyang idepensa ang kanyang sarili laban sa aniyay mga bias na mahistrado.
Kaugnay nito, muling hiniling ni Sereno ang pag-inhibit ng anim na mahistrado sa gagawing pinal na pagdedesisyon ng justices sa kanyang quo warranto case.
Kabilang sa pina-iinhibit ni Sereno sina Associate Justices Teresita Leonardo De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Samuel Martires
Ngayong buwan ng Hunyo pinal na dedesisyon ng Korte Suprema ang Sereno quo warranto case