SHOWBIZ | Andi Eigenmann at non-showbiz boyfriend, hiwalay na; Robin Padilla, suportado ang pagsasa-legal ng marijuana sa bansa

Manila, Philippines – Matapos ang dalawang taong pagsasama, hiwalay na ngayon ang aktres na si Andi Eigenmann sa non-showbiz boyfriend na si Emilio Arambulo.

Mismong si Andi ang nagsabi na single na siya ngayon ng tanungin sa status ng kaniyang relationship.

Hindi naman ipinaliwanag pa ni Andi ang dahilan ng kanilang paghihiwalay kung saan plano niya na manatili sa Baler, Aurora para mamuhay daw ng simple.


Samantala, suportado daw ng action star na si Robin Padilla ang legalization ng marijuana sa bansa.

Sabi ni Robin, sa tagal daw niyang tumutulong sa mga may sakit na cancer, nauubos na daw ang pera ng mga pasyente sa pagsasailalim lamang ng chemotherapy kaya at maari daw gamitin bilang alternative medicine ang marijuana.

Dagdag pa ni Robin, maraming bansa ang ginawang legal na ang marijuana para sa kanilang mamayan upang makabawas daw ng dami ng gastos sa ospital.

Facebook Comments