New Orleans – Sa ikalawang pagkakataon, bumili muli ng simbahan ang singer na si Beyonce Knowles sa New Orleans.
Ang 7,500 sq. ft. na 100 years old na simbahan ay nabili ni Beyonce sa halagang $850,000.
Itinayo ito noong 1900 subalit hindi na ito na-commission bilang lugar ng pagsamba matapos na pumanaw ang halos lahat ng miyembro nito.
Nabatid na nais ni Beyonce na buhayin ang simbahan para muli itong maging aktibo kung saan malapit lamang ito sa bahay ng kaniyang kapatid na si Solange Knowles.
Matatandaan na bumili din si Beyonce at asawa nitong si Jay-Z ng simbahan noong 2015 sa New Orleans na nag kakahalaga ng $2.6 million.
Facebook Comments