Manila, Philippines – Inamin ngayon ng singer na si Gary Valenciano na mayroon itong kidney cancer.
Ito ay sa kabila ng katatapos lamang niyang mag-undergo ng heart bypass surgery noong Mayo.
Wala namang ibinigay na karagdagang detalye si Gary V. sa halip ay nag-post ito sa kanyang twitter account na maayos pa rin ang kanyang kalagayan.
Say pa ni Gary, handa na rin siyang bumalik sa telebisyon sa lalong madaling panahon kung saan huwag na daw mag-alala ang mga fans at followers nito.
Facebook Comments