SHOWBIZ BALITA | Jennylyn Mercado, wala pa rin balak magpakasal

Manila, Philippines – Kahit nasa tamang edad na wala pa rin daw balak ang aktres na si Jennylyn Mercado na magpakasal.

Sa harap na rin ito ng kumakalat na balitang engaged na sila ng boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Sa viral na “twinning photo” ng dalawa sa instagram, makikitang magka-holding hands sila suot ang magkaparehong relo at dalawang singsing.


Gayunman, itinanggi ng aktres na nag-propose na ng kasal sa kanya si Dennis.

Si Jennylyn at 30 years old na habang 36 naman si Dennis.

Pareho rin silang may anak sa mga dating karelasyon si Patrick Garcia kay Jennylyn at si Carlene Aguilar kay Dennis.

Facebook Comments