SHOWBIZ BALITA | Juancho Trivino, special friend lang ang turing kay Maine Mendoza; Diego Loyzaga, naki-usap sa mga netizen na huwag siyang i-link sa partner na si Sofia Andres

Manila, Philippines – Itinuturing ngayon ng aktor na si Juancho Trivino na special friend si Maine Mendoza.

Ayon kay Juancho, nais niya sanang maging pribado ang pagiging magkaibigan nila ni Maine pero hindi daw talaga maiwasan na ma-tsismis sila sa isa’t-isa.

Tanggap na din daw ng aktor na maba-bash siya ng mga fans ni Maine at ng ka-tandem nito na si Alden Richards pero hahayaan na lamang daw niya na masayang ang oras ng mga ito.


Samantala, nairita ngayon si Diego Loyzaga sa mga netizen na nagli-link sa kaniya sa ka-love team na si Sofia Andres.

Say ni Diego, may ibang karelasyon na non-showbiz guy si Sofia kaya at huwag na daw ipilit pa na maging sila.

Hindi din daw totoo ang lumalabas na balita na masama ang loob ni Diego kay Sofia dahil sa pagkakaroon nito ng boyfriend kung saan apela niya sa mga fans at netizen na hayaan na lamang sila na maging masaya sa kanilang personal life.

Facebook Comments