SHOWBIZ BALITA | Nora Aunor, hindi prayoridad na maging national artist

Manila, Philippines – Wala raw muna sa prayoridad ng “Superstar” na si Nora Aunor na hirangin bilang national artist.

Ilang grupo kasi ang nagsusulong para maibigay sa kanya ang nabanggit na titulo.

Pero say ng multi-awarded actress, bahala na ang mga tao na magdesisyon kung igagawad sa kanya ang titulo basta magpapatuloy ang kontribusyon niya sa mundo ng showbiz.


May mga artista din naman daw na nauna pa sa kanya sa industriya ang sa tingin niya ay mas karapat-dapat sa parangal.

Taong 2014 nang ma-nominate bilang National Artist si Nora Aunor pero hindi naibigay sa kanya ang pagkilala dahil raw sa pagkakasangkot niya noon sa illegal drugs.

Facebook Comments