SHOWBIZ BALITA | Queen of All Media Kris Aquino, muling binanatan ang ex-husband na si James Yap

Manila, Philippines – Pinainit ng ni Queen of All Media” Kris Aquino-Yap ang social media matapos ang banatan ang kanyang ex-husband basketball star na si James Yap.

Sa birthday greetings kasi ni James sa kanilang anak na si Bimby, tila sinabi nito na hindi na sila magkikita ng anak.

Dahil dito, nag-post din si Kris ng video na may serye ng quotes sa instagram at sa caption siya nagpaulan ng maaanghang na mga rebelasyon kay James.


Binanatan pa ni Krissy ang interview ni James noong 2013 kung saan sinabi nito na inilalayo sa kanya ang anak at tinawag din na peke ito at ‘trying hard’ lang ang pag-iyak ni James sa harap ng media.

Dagdag pa ni Kris, pinag-aksayahan ni James ng panahon ang anak noon dahil nasa Malacañang pa ang kanyang kapatid na si dating pangulong Noynoy Aquino.

Tinapos ni Kris ang kanyang mensahe gamit ang hashtag na “#lookwhatyoumademedo”

Facebook Comments