Nagkaisa ang Kapuso at Kapamilya stars sa pagkondena sa pagpapasara ng pamahalaan sa ABS-CBN.
Umulan sa social media ng mga puso na color red, green, at blue na kulay ng iconic logo ng broadcast network.
Kasabay ng pagpapakita ng suporta sa Kapamilya network, iginiit ng ilang showbiz personality na isang pag-atake sa press freedom ang ginawang pag-shutdown dito.
Kabilang sa mga nagpakita ng suporta sina Maine Mendoza, News Anchor na si Atom Araullo, Janine Gutierrez, Lovi Poe, Bea Binene, singer na si Julie Anne San Jose at marami pang iba.
Dismayado naman sa pamahalaan ang mga Kapamilya star na sina Coco Martin, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Sharon Cuneta, singer na sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Bela Padilla, Vice Ganda at iba pa.
Kagabi ay trending topics sa bansa ang #notoabscbnshutdown.