SHOWBIZ | KC Concepcion – gustong iparamdam na “worth it” siya kay Sharon Cuneta

Manila, Philippines – Kahit na magkaiba sa maraming bagay, mahal na mahal pa rin daw ni KC Concepcion ang ina niyang si Sharon Cuneta.

Kanina nang ibahagi ni KC sa Instagram ang larawan nilang mag-ina na kuha sa kanilang family reunion kamakailan.

Sa caption, sinabi ni KC na bagama’t masyadong maaga o “Unexpected” ang pagdating niya sa buhay ni Sharon, gusto niyang iparamdam sa kanyang ina na “worth it” ang pagsilang nito sa kanya.


Nito lang mayo nang pag-usapan ang naging post ng Megastar sa social media kung saan inamin niya na iba na ang relasyon nilang mag-ina.
Bagama’t ginusto raw niyang lumaking independent ang anak, nasobrahan naman daw ito.

Facebook Comments