Manila, Philippines – Sa kabila ng mga hinanakit at patutsada laban sa kanya ni Kris Aquino, kakaibang mensahe naman ang ipinost ng Tv host na si Korina Sanchez sa kaniyang Instagram.
Nabatid na nag-post ng mga positibong mensahe si Korina sa kaniyang instagram kung saan may kasama itong picture habang nakasakay sa carousel.
Say ni Korina sa caption ng IG message niya, “life is like a merry-go-round, remember to ride with the eyes of a child and stay happy!”
Bagamat walang direktang sagot si Korina sa akusasyon ni Kris, malinaw daw naman na alam nito ang tungkol sa isyu base sa mga komento ng netizen.
Nag-post din ng isang video si Korina sa kanyang instagram account na may caption na “in this pursuit, what’s essential is to spread positivity, kindness, understanding and love. This is what the world needs. We’re not perfect, but we have to try”.
Matatandaan na una nang sinabi ni Kris na tila nananadya si Korina makaraan nitong i-feature ang buhay ni James Yap matapos siyang mag-post hinggil sa pagiging pabaya nito sa kanilang anak na si Bimby.