Manila, Philippines – Kapwa ibinahagi ngayon ng magkaibigang sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga ang kanilang mga pinagdaanan bago sila maging BFF.
Say nina Toni at Mariel, malayo na daw ang pinagdaanan ng kanilang pagkakaibigan mula nang magkaalitan sila noong 2010 pero hindi na nila ito idinetalye pa.
Nagsilbi raw iyon na matinding pagsubok na mas nagpatatag sa pundasyon ng kanilang pagkakaibigan kung saan nagsimula ito ng kapwa sila maging host ng isang Pinoy TV reality show.
Aminado sila na big deal ang nangyari noon at kapwa daw sila nasaktan sa nangyari.
Bukod dito, hindi raw nila pinuwersang magkaayos sila agad, kahit pa may ibang taong tumutulong na magkaayos sila noon.
Pero gaya nga ng kasabihan na “time heals all wounds” nagka-ayos sila at sinimulan muling itaguyod ang kanilang friendship.