SHOWBIZ | Ogie Alcasid, umiyak at nagselos kay Robin Padilla

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Regine Velasquez na nagselos ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid kay Robin Padilla.

Ito raw ay noong panahon pa naman kung saan ginagawa ni Regine at Robin ang pelikulang “Till I Met You noong 2006”.

Noong panahong ding ito ay hindi pa lantad sa publiko ang relasyon nina Regine at Ogie.


Naalala rin ni Regine nang biglang tumawag sa kanya si Ogie habang umiiyak.

Say ng Song Bird, tinawagan siya para lang tanungin kung bakit kailangan itago muna ang kanilang relasyon kung saan hindi niya masabi sa buong mundo na mahal niya si Regine.

Facebook Comments