SHOWBIZ | Toni Gonzaga, nais na manatiling buo ang pamilya sa kabila ng isyung lumalabas sa mister

“I deserve a complete family”
Ito ang naging pahayag ng TV host / actress na si Toni Gonzaga matapos na tanungin kung ano ang gusto niyang mangyari habang siya ay nabubuhay.

Say ni Toni, mas gugustuhin niyang lumaban para mabuo ang kaniyang pamilya at never daw niyang ipagsasapalaran ang kapakanan ng mga ito lalo na at ito ang ginawa ng kaniyang mga magulang noong sila ay bata pa.

Bagaman at madalas na mapabalitang nali-link sa iba ang asawang si Paul Soriano, proud na sinabi ni Toni na faithful sila sa isa’t-isa at never daw siyang nag-doubt sa loyalty ng mister.


Wish din ni Toni na pamarisan sana ng iba ang relasyon nilang mag-asawa at pamilya kung saan sa mundo ng showbiz ay hindi maiiwasan na magkaroon ng iba’t-ibang isyu.

Facebook Comments