SHREDDED PAPERS | Justice Secretary Guevarra, kinumpirma na walang official documents sa mga papeles na sinira sa huling araw sa DOJ ni dating Secretary Aguirre

Manila, Philippines – Lumalabas sa paunang imbestigasyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi mga importanteng dokumento ang mga sinira ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa huling araw nito sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Guevarra, mga basura tulad ng drafts, duplicate copies, invitations, at magazines ang mga shredded papers na nakitang iniwan ni Aguirre.

Kinumpirma rin ni Guevarra na wala namang nawawalang mga importanteng dokumento sa DOJ tulad ng case files o official documents.


Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin aniya ang kanilang imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments