SHS Program, maaari pa ring ituloy ng SUCs at LUCs

Nilinaw ni Bohol Third District Representative Alexie Tutor na maaari pa ring ipagpatuloy ng State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) ang Senior High School o SHS program.

Pahayag ito ni Tutor matapos niyang basahin ang page 10 ng Department Order Number 20, series of 2023 ng Department of Education (DepEd) na nagsasabing tanging ang voucher program lamang ang ipinatitigil nito at hindi ang SHS program.

Iginiit din ni Tutor na maaari pa ring magdesisyon ang governing board ng SUCs na ituloy ang SHS program dahil nakasaad sa Republic Act 8292 at sa bagong Charter ng University of the Philippines na mayroon lamang isang pwesto rito ang Commission on Higher Education (CHED).


Dagdag pa ni Tutor, tanging ang local DepEd superintendent lang din ang may pwesto sa governing boards ng local universities and colleges at wala ang CHED.

Ayon kay Tutor, pwedeng humanap ang SUCs at LUCs ng ibang mapagkukunan ng pondo para maituloy ang SHS program.

Facebook Comments