Manila, Philippines – Nakatakdang iprisinta ng Boracay inter-agency council
kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang iminumungkahing timeline para sa
pagpapasara ng Boracay Island.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Tulfo-Teo,
inirekomenda nila ang dalawang buwang shut down upang makumpleto ang
rehabilitasyon ng isla.
Pero sinabi ng kahilim na bago ang closure, kailangang maanunsyo muna ang
state of calamity sa lugar.
Aniya, si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary
Roy Cimatu ang magpiprisinta ng Boracay closure timeline sa Pangulo.
Dagdag pa ni Teo, nasa Pangulo na ang kamay kung gaano kahaba niya
ipapasara ang Boracay.
Sa oras na tuluyang ipasara ito, walang papayagang turista maging ang mga
lokal na dumayo sa isla.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>