Hindi na ipupursige ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang shutdown sa ilang beach sa El Nido, Palawan.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ang rehabilitation ng El Nido ay magpapatuloy kahit bukas ito sa mga turista.
Aminado si Año na imposibleng ipatupad ang 20-meter easement sa mga beach.
Pero ang ipagbabawal ang swimming sa ilang beach gaya ng Bacuit Bay at Corong-Corong dahil sa mataas na lebel ng coliform.
Sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu – 90% ng mga negosyo sa El Nido ay hindi sumusunod sa environmental laws at ordinances.
Bibigyan ng 25 araw ang lokal na pamahalaan para tukuyin ang mga establisyimento at maging ang mga bahay na lumalabag sa environmental regulations.