Shuttle buses ng Korte Suprema, pinagamit na rin sa frontliners

Tuloy ang pag-ikot ng “Wheels of Justice” ng Korte Suprema sa harap ng lockdown sa buong Luzon.

Ito ay matapos ipagutos ni Chief Justice Diosdado Peralta ang pagpapagamit sa frontliners sa Metro Manila sa kanilang shuttle buses.

Partikular na nakalaan ang shuttle buses ng Supreme Court para sa health workers sa National Capital Region (NCR).


Ang supervision at control ng SC shuttle buses ay pinauubaya na ni Chief Justice Peralta sa Department of Transportation (DOTr)-Land Transportation Office (LTO).

Facebook Comments