Sto. Tomas, Isabela – Bilang pinakamahusay na ugnayan ng mga pulis at taong bayan sa Sto. Tomas Isabela ay ipinapatupad ngayon ang kasanayan na “Si Chief at Ako Susi sa Kaayusan at Kaligtasan.
Ito ang mariing ipinahayag sa RMN Cauayan ni Police Inspector William Cuntapay, Deputy Chief of Police ng PNP Sto. Tomas, Isabela.
Sinabi pa ni Police Inspector Cuntapay na layunin umano ng naturang kasanayan na mamintena ang peace and order situataion sa nasabing bayan.
Aniya, kung may ugnayan ang taumbayan sa COP o sa mga pulis ay mas madali umano na maresolba ang anumang uri ng krimen at maiwasan rin ang anumang pangyayari.
Sinabi pa ni Police Inspector Cuntapay na bahagi nito ang pagsasagawa ng dialogue, symposiums, lectures, pulung-pulong o pagbisita sa mga barangay sa buong bayan ng Sto. Tomas.
Samantala, kahit anumang uri umano ng komunikasyon ang gagamitin o kung anuman ang pinakamadaling komunikasyon ay pwedeng gamitin para makipag-ugnayan sa kapulisan.