Siargao, ikinampanya ni PBBM bilang prime surfing destination

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga taga-Siargao sa pangangampanya bilang surfing destination ng bansa.

Sa talumpati ng pangulo para sa 27th Siargao International Surfing Cup na ginawa sa General Luna, Siargao Island, inihayag ng Chief Executive na kasabay ng pangangampanya sa surfing ay kailangan din namang i-obserba ang eco-friendly practices para mapanatili at maprotektahan ang kalikasan.

Hinimok din ng presidente ang mga taga-Siargao na suportahan ang responsableng pamamaraan ng pangingisda.


Ayon pa sa pangulo na magpapatuloy rin ang gobyerno para sa pagtutok sa developmental projects sa Siargao gaya na lamang ng New Siargao Airport Development Project na tiyak aniyang makakaambag sa paglakas ng turismo nito at trade growth ng isla.

Naging representante ng pangulo sa event ang bunsong anak na si William Vincent Marcos na nagsilbing guest of honor at keynote speaker sa okasyon.

Ang Siargao ay kilala bilang surfing capital of the Philippines at isa sa itinuturing best beaches in Asia.

Facebook Comments