Siargao, kasama sa seven of the best places to visit in Southeast Asia ng Lonely Planet

Napabilang ang isla ng Siargao sa pitong pinakamagandang lugar sa Timog-Silangang Asya na dapat bistahin ng travel magazine na Lonely Planet.

Lumabas na pinakamagandang lugar para sa surfing ang Siargao dahil sa magandang alon na dalay ng karagatan doon.

Welcome sa Department of Tourism ang nakuhang pagkilala ng isla na sumasalamin sa hindi mapantayang ganda ng lugar.


Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, nagsilbing tagumpay sa mga residente ng sirgao ang nakuha pagkilala ng isla.

Samantala, kasama rin sa listahan ng lonely ang Amed Sa Bali, Cao Bang sa Vietnam, Khao Sok National Park sa Thailand, Luang Prabang sa Laos, Penang sa Malaysia at Gili Air sa Indonesia.

Facebook Comments