SIBAK | 2 bagitong pulis, tinanggal sa serbisyo matapos bantaan ang isang rider

Malabon City – Sinibaksa kanilang puwesto ang dalawang bagitong pulis matapos ireklamo ng magulang ng isang binata na kanilang sinita kahit wala namang violation sa Malabon City.

Kinilala ang mga sinibak na pulis na sina PO1 Ronald Rey Gaba­yan Dadaig at PO1 June Ocariza Gavilan na pawang mga nakatalaga sa Malabon City Police Community Precinct 2.

Sa reklamo ng ina ng hindi na pina­ngalanang biktima, nag-overtake lamang ang kaniyang anak sa police mobile kung saan nakasakay ang dalawang pulis sa MacArthur Highway na sakop ng Barangay Potrero kaya at sinita ito.


Agad na bumaba ang dalawang pulis at inilawan ang mukha ang kaniyang anak saka kinuha ang lisensiya nito kahit wala namang violation.

Sinabihan pa ni Gavilan ang binata na humanda ito dahil babalikan siya at yayariin.

Dahil sa takot ay agad na nagtago sa isang tindahan ang biktima at agad na ipinagbigay-alam sa kanyang mga magulang ang insidente na mabilis namang nagreklamo kay Senior Superintendent Henry ­Espala na hepe ng dalawang pulis.

Facebook Comments