Sinibak sa puwesto ni Environment Secretary Roy Cimatu ang apat na opisyal ng Mines and Geosciences Bureau o MGB regional office sa Cebu.
Kinilala ang mga opisyal na sina Director Loreto Alburo, Chief Administrative and Finance Officer Atty. Jerry Mahusay, Chief Geologist Al Emil Berador at Supervising Geologist Dennis Aleta.
Bumuo na rin si Cimatu ng isang team ng mga technical personnel from the Mines and Geosciences Bureau (MGB) para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa posibleng pananagutan ng apat na opisyal sa nangyaring landslide sa Naga, Cebu.
Nauna nang iniutos ni Cimatu ang suspension order sa lahat ng quarry operation sa Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao at CARAGA.
Kasunod naman ito nang nangyaring pagtabon ng lupa sa nasa 60 kabahayan sa mga barangay ng Tinaan at Naalad sa Naga, Cebu dahil sa landslide na dulot ng mga pag-uulan.
Lumilitaw na ang mga na-trap na residente ay pawang mga trabahador ng Apo Land at Quarry Corp.