SIBAK! | 4 pulis na sangkot sa pagpapahubad at pagpapatuwad sa mga nahuling drug suspek, sinibak

Manila, Philippines – Sinibak na nang pamunuan ng Philippine National Police ang apat na pulis na nagpahubad at nagpatuwad sa mga nahuling drug suspek sa opisina ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati Police.

Sa ulat 2017 pa kinunan ng video ang pagpapahubad at pagpapatuwad sa mga nadakip na drug suspek habang nagtatawanan ang mga pulis na ngayon ang video ay viral na sa internet.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang mga sinibak na mga police officers ay sina Police Senior Inspector Valmark Fundas, Police Officer 1 Stephanie Limihap, PO1 Heizelle Maramag, at PO1 Francis Intia.


Mariing kinokondena naman ni PNP Chief Albayalde ang pangyayaring ito lalot sangkot ay mismong mga police officers

Tiniyak rin ni Albayalde na kapag napatunayang may paglabag ang mga pulis na ito ay masasampahan sila ng kaso.

Facebook Comments