Manila, Philippines – Nagkasa muli ng malawakang balasahan sa Bureau of Customs (BOC).
Sinibak ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang dalawang major port district collectors ang 64 na tauhan dahil sa kabiguang maabot ang target na revenue collection para sa buwan ng Marso.
Kabilang sa mga tinanggal ay sina Port of Manila (POM) district collector Vener Baquiran na pinalitan ni Erastus Sandino Austria na dating district collector ng port of Davao.
Ang trabaho naman ni Manila International Container Port (MICP) Collector Lawyer Balmyrson Valdez ay sinalo ni Maritess Martin na dating port of Clark district collector.
Inilipat si Baquiran sa compliance monitoring unit.
Ang POM ay nakapagkoleta lamang ng 5.776 billion pesos at 12.625 billion pesos naman sa MICP.