SIBAK | Chief of police ng Midsayap at GenSan, tinanggal sa serbisyo

Sinibak sa pwesto ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde ang chief of police ng Midsayap, North Cotabato at General Santos City, makaraan ang magkahiwalay na pagsabog kahapon.

Sinabi ito Albayalde sa isang ambush interview sa Camp Crame bago lumipad patungong Benguet ngayong umaga.

Si Police Senior Superintendent Raul Supiter ang Chief of Police ng General Santos City Police Station.


Habang ang Chief of Police ng Midsayap North Cotabato ay si Police Superintendent Samuel Cadungon.

Ayon sa PNP chief, BIFF pa rin ang kanilang pinaghihinalaang nasa likod ng dalawang pagpapasabog.

Iba-iba lang aniyang paksyon ng BIFF ang may pakana ng mga sunod-sunod na pagsabog ngayon sa Mindanao, kabilang ang dalawang pagsabog kahapon at sa dalawang naunang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kamakailan.

Wala naman iniulat na nasaktan sa naganap na pagsabog ng IED pasado alas-7 kagabi sa Theresa’s Place Videoke Bar sa Poblacion 4, Midsayap, North Cotabato, habang 8 ang sugatan sa pagsabog sa GenSan.

Facebook Comments