Manila, Philippines – Nirerespeto ng Department of Transportation (DOTr) ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagkakasibak sa tungkulin ni Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Marcial Quirico Amaro III.
Nakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sumbong kaugnay sa halos ay pagtira na sa abroad ni Amaro mula nang siya maitalaga sa Marina.
Noong 2016, anim na beses siyang lumabas sa bansa samantalang sa nakalipas na taong 2017 ay mas naging madalas ito at umabot sa 18 ang kanyang foreign trips na hindi naman kinakailangan sa kanyang pwesto.
Ayon sa DOTr, naniniwala silang naging patas ang Pangulo sa pagsibak sa nasabing opisyal dahil dumaan naman ito sa imbestigasyon.
Nabatid na ang MARINA ay nasa ilalim ng pamunuan ng DOTr.
Paliwanag ng ahensya, hindi nila kinokonsinte ang ganitong mga maling gawain na makakasira lamang sa imahe ng departamento.