Manila, Philippines – Sinibak na sa trabaho ang security guard na hindi nagpapasok sa ilang miyembro ng media sa Commonwealth Elementary School kasabay ng pagbubukas ng Barangay at SK Elections.
Katwiran kasi ng gwardiyang si Rino Agao, dapat ay may permit mula sa school principal ang mga miyembro ng media para payagan silang makapasok.
Pero ayon sa Commission on Election (COMELEC), basta at may COMELEC I.D. ay pwedeng makapasok ang mga mamamahayag sa mga paaralang pinagdarausan ng botohan.
Nag-sorry naman ang school prinicipal dahil sa nangyari.
Ayon kay Ms. Emily Pelobello, wala silang utos na harangin ang media sa halip at sinabihan ang mga gwardiya na ipaalam sa principal’s office kapag may darating na mga mamamahayag.
Facebook Comments